Top 1 Regional Most Wanted Person sa Zamboanga del Sur, nahaharap sa kasong 2 counts ng statutory rape, arestado
- Teddy Borja
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng awtoridad ang isang construction worker na nahaharap sa kasong 2 counts ng statutory rape. Kabilang ang suspek sa Top 1 Regional Most Wanted ng PNP Zamboanga del Sur.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court 9, Branch 4, Dapitan City, na may petsang November 3, 2025.
Ikinasa ang operasyon Lunes, November 10, sa Poblacion, Tabina.
Inirekomenda ng korte ang ₱120,000 na piyansa para sa kasong acts of lasciviousness, habang no bail naman para sa kasong statutory rape.
Nasa kustodiya na ng Tabina Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang legal na proseso.



Comments