Top 10 Regional-Level High-Value Individual, arestado sa Davao City; ₱190,400 halaga ng shabu at baril, nasamsam
- Teddy Borja
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang lalaki na kabilang sa Top 10 Regional-Level High-Value Individuals, kung saan nasamsam ang hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at isang baril na .45 caliber na may bala.
Kinilala ang suspek na si alyas “Taba,” 27-taong gulang, lalaki, walang trabaho, at residente ng Barangay 23-C, Davao City.
Inaresto ito kasunod ng ipinatupad na Search Warrant No. 2588 para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, noong Huwebes, December 19.
Dinala ang suspek at lahat ng nakumpiskang ebidensiya sa Davao City Police Office para sa dokumentasyon at karampatang legal na disposisyon.
Inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa suspek sa ilalim ng RA 9165.



Comments