top of page

Top 10 Regional Most Wanted, naaresto sa Tantangan, South Cotabato

  • Teddy Borja
  • Dec 5
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Naaresto ang isang Top 10 Regional Most Wanted Person na sangkot sa kaso ng rape sa isinagawang joint operation ng pulisya noong December 3, 2025, bandang 1:12 PM sa Barangay Magon. Pinangunahan ng Lambayong MPS, PITSK RIU 12, Provincial Intelligence Unit ng South Cotabato PPO, CIDG 12 Sultan Kudarat Provincial Field Unit, at Tantangan MPS ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kilala sa alyas na “Martin,” 18 anyos, single, empleyado sa “peryahan ng bayan,” at residente ng Barangay Kipalbig, Tampakan.


Ang suspek ay may Warrant of Arrest para sa rape ayon sa Article 266 (A)(1) ng Revised Penal Code, inamyendahan ng RA 8353, na inisyu ng Regional Trial Court, Tacurong City noong November 10, 2025, na walang bail.


Dinala ang suspek sa Lambayong MPS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page