iMINDSPH
Tiklo rin ng otoridad ang Top 2 Most Wanted ng Maguindanao del Norte matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa kasong murder.
Huli ang Top 2 Most Wanted Person ng Maguindanao del Norte na may kasong murder matapos isilbi ang Warrant of Arrest laban dito sa kasong murder.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng Acting Presiding Judge of 12 Judicial Region, RTC branch 14, Cotabato City, na may petsang August 20, 2024.
Inaresto ito alas 8:30 ng gabi, araw ng Martes sa Sitio Tenorio, Brgy Awang bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Agad itong dinala sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station para sa booking, documentation at proper disposition.
Sanib pwersang isinagawa ang operasyon ng mga elemento ng Datu Odin Sinsuat MPS at Philippine Army.
Comments