iMINDSPH

Sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa Matina Crossing, Davao City, naaresto ang isang alyas “Jon” na top 3 most wanted person ng region 11.
Ang pag aresto sa suspek ay sa bisa ng Warrant of Arrest.
May standing warrant of arrest ang suspek na two counts of statutory rape at statutory sexual assault na inisyu ng Eleventh Judicial Region, RTC XI, Branch 33, Davao City, noong February 4, 2025.
Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng Talomo Police Station, Davao City para sa proper disposition ng kaso.
Comments