Top 4 Most Wanted ng Region 11, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad; P1.2M halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon
- Teddy Borja
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng mga tauhan ng PNP PRO 11 ang Top 4 Most Wanted ng rehiyon sa buy-bust operation sa Carmen, Davao del Norte kung saan nasamsam ang mahigit 1.2 million pesos na halaga ng suspected shabu.
Naganap ang operasyon a-7 ng Agosto 2025 sa Purok 19, Brgy. Ising, Carmen, Davao del Norte.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Stephen”.
Nakumpiska sa operasyon ang hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 188 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na ₱1,278,400.00
Kasama ring nakumpiska ang boodle money at isang itim na belt bag.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 na isasampa sa pamamagitan ng inquest proceedings laban sa naaresto.
Opmerkingen