Top 7 Most Wanted Person ng Lantawan, Basilan, huli sa Isabela City
- Teddy Borja
- Aug 25
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang Top 7 Most Wanted Person ng Lantawan na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang operasyon ay ikinasa ng Lantawan Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Basilan Provincial Jail, sa Barangay Sumagdang, Isabela City, araw ng Miyerkules, August 20.
Nasa kustodiya na ng Basilan Provincial Jail ang suspek habang hinihintay ang kaukulang proseso at pagharap sa korte.
Tiniyak ng PRO BAR na mas paiigtingin pa ang mga operasyon laban sa mga pinaghahanap ng batas bilang bahagi ng kanilang mandato na sugpuin ang kriminalidad at tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.



Comments