top of page

Top 7 Most Wanted sa Lanao del Sur, arestado sa Bukidnon sa kasong frustrated murder

  • Teddy Borja
  • Aug 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tiklo sa Malaybalay City, Bukidono ang Top 7 Most Wanted ng Lanao del Sur na nahaharap sa kasong frustrated murder.


Matapos ang pitong buwang intelligence-driven na operasyon, nasakote na ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang Top 7 Most Wanted ng Lanao del Sur.


Nahuli ang suspek na kinilalang si “Tingagun” Agosto 13, 2025 sa Purok Cinco, Barangay Nuebe, Malaybalay City.


Ayon sa ulat mula sa Lanao del Sur Police Provincial Office, si “Tingagun,” ay naaresto matapos isilbi ang warrant of arrest kung saan inirekomenda ng korte ang 200,000 pesos na piyansa.


Pinangunahan ng Marantao Municipal Police Station, katuwang ang Malaybalay City Police Station at PNP Regional Intelligence Unit ang pag aresto bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Police Regional Office–BARMM (PRO BAR) laban sa mga wanted sa batas.


Nagtago umano ang suspek matapos nitong malaman ang pagkaka-isyu ng warrant laban sa kanya. Ngunit sa tulong ng impormasyon mula sa mga concerned citizens, natunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng akusado.


Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng Marantao MPS para sa karampatang proseso at dokumentasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page