Top 8 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong rape, napasakamay ng awtoridad sa Tacurong City, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Aug 18
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang Top 8 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong rape.
Ang suspek ay 35-anyos at residente ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Inaresto ito, araw ng Biyernes, August 15, 2025 matapos isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 20, Tacurong City, noong Agosto 6, 2025.
Bukod sa rape case, nahaharap din ito sa kasong paglabag sa Section 5 (B) ng Republic Act 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Nasa kustodiya na ng Tacurong CPS ang naarestong indibidwal para sa tamang disposisyon.



Comments