Top drug personality, arestado sa Davao City; P1.29 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam sa buy-bust operation
- Teddy Borja
- Aug 18
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang Top Drug Personality sa isinagawang buy-bust operation kung saan nasamsam ang mahigit 1.29 million pesos na halaga ng suspected shabu.
Matagumpay na naaresto ng Police Regional Office 11 (PRO 11) ang Top 1 High-Value Individual (HVI) sa Davao Region na si alyas “Utol” sa isinagawang buy-bust operation noong Agosto 13, 2025, sa Pag-asa Street, Barangay 25-C, Davao City.
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 190 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,292,000, base sa standard drug price.
Kasama ring nakumpiska ang buy-bust money, isang cellphone, isang Yamaha NMAX V2 motorcycle at susi.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments