Training para sa deputation ng Law Enforcement Agents, ikinasa ng MOTC BARMM sa tulong ng BARMM READi
- Diane Hora
- Nov 14
- 1 min read
iMINDSPH

Upang palakasin ang kakayahan ng mga tagapagpatupad ng batas, lalo na sa larangan ng basic emergency response, nagkasa ang MOTC BARMM ng pagsasanay para sa deputation ng Law Enforcement Agents.
Pinangunahan ng READi ang training, na nakatuon sa Basic Life Support (BLS) at ipinaliwanag ang kahalagahan nito bilang unang tugon na maaaring makapagligtas ng buhay sa oras ng emergency.
Kasama sa praktikal na bahagi ang pagsasagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), na nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na mahasa ang kanilang kasanayan at kumpiyansa sa pagtugon sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang aksyon.
Dumalo sa training ang mga kinatawan mula sa Highway Patrol Group, Cotabato City Traffic Management Office, LTFRB, PNP, at iba pang enforcement units.
Binigyang-diin ng READi na ang BLS ay isang responsibilidad at hindi lamang kasanayan, at karaniwang isinasagawa ang pagsasanay sa loob ng dalawang araw sa ilalim ng superbisyon ng Ministry of Health.
Ipinapakita ng inisyatibong ito ang patuloy na adbokasiya ng Bangsamoro READi para sa kahandaan at pagbibigay ng mahahalagang kasanayang pangkaligtasan sa mga tagapaglingkod-bayan, bilang bahagi ng layunin ni BARMM Chief Minister Abdulraof “Sammy” Gambar Macacua para sa kaligtasan at katatagan ng bawat sektor ng komunidad sa BARMM.



Comments