top of page

Transitional Justice and Reconciliation (TJR) Roadmap, pormal na inilunsad ng GPH-MILF sa Camp Darapanan, Simuay, Sultan Kudarat

  • Diane Hora
  • Dec 10
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Opisyal na inilunsad ng Government of the Philippines (GPH) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Peace Implementing Panels ang Transitional Justice and Reconciliation (TJR) Roadmap, noong Martes, December 9, sa Camp Darapanan, Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.


Ayon sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPARU, ang TJR ang puso at kaluluwa ng Bangsamoro peace process.


Ito umano ang isa sa mga key components ng Normalization Program ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB, ang landmark peace agreement sa pagitan ng GPH at MILF.


Layunin ng Transitional Justice and Reconciliation (TJR) na isaalang-alang ang mga salaysay at hinaing ng mga Bangsamoro, habang pinagninilayan ang mga aral mula sa nakaraan na nagdulot ng digmaan, kawalan ng tiwala, pagkiling, at malawakang pang-aabuso.


Hangad din nitong maunawaan ang mga makasaysayang pangyayaring nagpasiklab ng sigalot sa rehiyon upang maiwasan ang muling pag-uulit nito. Makapagbibigay din ang TJR ng judicial at non-judicial na mga proseso upang tugunan ang mga historical injustices, human rights violations, at marginalization sa pamamagitan ng land dispossession, na nagsisilbing daan tungo sa pagpapagaling at pagkakasundo.


Ang drafting ng TJR Roadmap ay pinangunahan ng Inter-Cabinet Cluster on Normalization Sub-Cluster on TJR, na nagsilbing proposal ng gobyerno sa MILF.


Pinahusay pa ito ng Technical Working Group on TJR at inaprubahan ng GPH at MILF Peace Panels noong January 31, 2025. Laman ng draft ang mga rekomendasyon mula sa study at listening processes na isinagawa ng TJR Commission.


Binigyang-diin ni MILF Implementing Panel Chair Mohagher Iqbal na ang paglulunsad ng roadmap ay pagpapakita ng dedikasyon at pagiging seryoso ng dalawang partido na makumpleto ang tinuturing na puso at kaluluwa ng peace process.


Sinabi naman ni Government Implementing Panel Chair Cesar Yano na ang TJR ay hindi isang abstract concept at binigyang-diin na nagrerepresenta ito ng comprehensive set ng mga hakbang na naglalayong tugunan ang legitimate grievances, historical injustices, at human rights violations na resulta ng armed conflict sa Mindanao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page