top of page

Tricycle driver na residente ng Koronadal City, patay sa pamamaril sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Apr 25
  • 1 min read

iMINDSPH


Kinilala ang biktima na si Alquin Lariousa Cabantac, residente ng Barangay Namnama.


Naganap ang pamamaril alas 3:00 ng hapon, Abril 24, 2025.


Sa imbestigasyon ng otoridad, sakay ng motorsiklo na may sidecar ang biktima kasama ang kanyang asawa mula sa Libutan at patungo ng Buluan, Maguindanao del Sur ng sundan umano ng mga suspek sakay din ng motorsiklo.


Binaril ng isa sa mga suspek ang biktima sa ulo na nagresulta sa kanyang dagliang kamatayan.


Inaalam pa ng otoridad, ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page