Trisikad driver sa Manday, MB Bagua, Cotabato City, timbog matapos isilbi ang warrant of arrest sa kasong robbery
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Imbes na mamasada, kulungan ang bagsak ni alyas “Fahad”, 22 taong gulang, residente ng Lugay Lugay, Bagua 1, Cotabato City.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Executive Judge ng RTC, 12th Judicial Region, Branch 27, Cotabato City na may petsang Abril 30, 2025.
Inirekomenda ng korte ang P72,000 na piyansa.
Nasa kustodiya na ng Police Station 3 ang naarestong indibidwal para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Kommentare