iMINDSPH

Sa gitna ng pagdadalamhati ng ilang pamilya sa Barangay Malingao, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na nawalan ng bahay dahil sa sunog dulot ng isang armadong grupo, nagpaabot ng tulong pinansiyal, bigas, at mga pagkain sa mga apektadong pamilya ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, Ito ay pagpapakita ng simpatiya at malasakit sa mga nasunugan at isang pagtulong at suporta na kailangan ng mga tao sa ganitong mga sitwasyon.

Isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng suporta at pag-asa sa mga nasunugan.
Sa panahon ng kagipitan, ayon sa provincial government ng MagSur ang tulong na ipinabot sa mga biktima ay nagpapakita rin ng kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa sa mga komunidad.
Comments