Tulong sa mga nasunugan sa Guindulungan, Maguindanao del Sur, hatid ng Project TABANG
- Diane Hora
- Nov 17
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pakikipag-ugnayan sa isang vlogger, agad na nag-abot ng tulong ang Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan or TABANG sa mga residenteng nasunugan sa Guindulungan, Maguindanao del Sur.
Mismong si Project TABANG Manager Brahim Lacua ang nanguna sa paghahanda ng mga ipinaabot na tulong tulad ng bigas at food packs na kailangan ng mga biktima ng sunog.
Nagpasalamat naman ang mga residente sa natanggap na ayuda mula sa Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Project TABANG.



Comments