TVET Forum ng TESD Lanao del Sur, matagumpay
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang pagpapalakas at pagpapanatili ng kalidad na serbisyo para sa mga Technical Vocational Institutes at sa mga benepisyaryo, isinagawa ng Technical Education and Skills Development ng Lanao del Sur Provincial Office ang 3rd Quarter TVET Forum sa Marawi City.
Dinaluhan ito ng mga administrator at mga pangulo mula sa iba’t ibang Technical Vocational Institutes sa probinsya.
Sa isinagawang forum, tinalakay ang mga hakbang at pamamaraan kung paano mas mapapabuti ang mga ino-offer na vocational skills at iba pang kurso upang maging mas epektibo ang mga pagsasanay at makapag-produce ng mas maraming TESD graduates.



Comments