iMINDSPH
Iprinoklama na ng United Bangsamoro Justice Party ang mga pambato sa walong bayan sa Special Geographic Area. Mismong si UBJP President Ahod Erahim ang pormal na nag endorso sa mga ito.
Pormal nang iprinoklama ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang mga pambato sa mga bayan ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Ligawasan at Tugunan para sa 2025 elections.
Pinangunahan mismo ni UBJP President Ahod Ebrahim ang proklamasyon ng mga ito, araw ng Huwebes, a-3 ng Oktubre.
Kasama ng opisyal sina Party Vice President Mohagher Iqbal, Vice President for Women Engr. Aida Silongan, at Provincial Chief Executive Officer ng SGA Mohammad Kellie Antao.
Binigyang diin ni Ebrahim sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng tunay na pamumuno na nakasentro sa moral governance at sa kapakanan ng komunidad.
Ayon sa opisyal, ang sinumang pumapasok sa politika ay dapat may malinaw at dalisay na layunin na maglingkod para sa ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan.
Ayon sa UBJP, mariin nilang isinusulong ang pagkakaroon ng mga lider na may pananagutan, matapat, at tunay na nagsisilbi sa mga pangangailangan ng mamamayan bilang political wing ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at isang regional parliamentary political party na makikiisa sa 2025 elections.
Comments