top of page

UBJP, kumpiyansa na mananalo sa kauna-unahang BARMM parliamentary election

  • Diane Hora
  • May 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Kumpiyansa ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP na mananalo sa kauna-unahang Parliamentary Election sa BARMM na itinakda sa buwan ng Oktubre ngayong taon kahit na hindi pa nanalo ang partido sa Cotabato City, Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte. Ito ang sinabi ni BARMM Chief Minister at UBJP Secretary General Abdulraof Macacua.


Pero mas nakagaan din aniya sa sitwasyon ang pagkakapanalo ng kanilang mga kandidato sa nabanggit na mga lugar sa katatapos na halalan.


Magsasagawa rin ng evaluation ang UBJP sa resulta ng halalan lalo na sa lalawigan ng Basilan at Lanao del Sur. Posible rin aniya ang pagkakaroon ng realignment.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page