top of page

Ulama-Based Agencies ng MILF, Bumuo ng Policy Framework para sa Institutionalization ng Da’wah sa pamamahala sa BARMM

  • Diane Hora
  • Aug 12
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagtipon ang iba’t ibang religious agencies ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kabilang ang Da’wah Committee, Hayatul Ulama, Tarbiyyah, Shounul Qur’an, at Mahkamah sa isang consultative policy development session para bumuo ng policy framework para sa isa sa mga priority policies ni Chief Minister Abdulraof Macacua, ito ang Institutionalization ng Da’wah sa pamamahala sa BARMM


Layunin ng framework na ito na magsilbing gabay para sa Bangsamoro Parliament sa pag-draft ng legislation at para sa BARMM ministries sa paggawa ng proposals, para maipatupad ang nasabing polisiya.


Ang meeting ay inorganisa ng Office of the Chief Minister – Strategic Communications, sa pakikipagtulungan ng Bangsamoro Darul Ifta, bilang patunay ng political will ni Chief Minister Macacua na isulong ang kanyang declared priority policy.


Sa session, tinalakay ang pagbibigay ng mandatory spaces para sa mga scholars sa iba’t ibang aspeto ng management gaya ng human resource management, monitoring and evaluation, information drives, intercultural engagement, gender and development, correctional facility and wellness programs, at rehabilitation efforts.


Magkakaroon ng ceremonial turnover para sa output ng session na ito sa Members of Parliament. Bagama’t target timeline ni Chief Minister para sa policy na ito ay sa October, tiniyak na ang policy framework ay mananatiling permanenteng gabay para sa mga susunod na Parliament kahit matapos na ang October 2025 elections.


Ayon sa mga lumahok na ulama, mahalaga ang initiative na ito dahil nagbibigay ito ng malinaw na direksyon sa role ng da’wah sa Bangsamoro Government at nagpapalakas ng relationship sa pagitan ng mga ulama at government officials para sa mas makabuluhang serbisyo sa tao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page