Unang SOPA ni Governor Datu Ali Midtimbang, tampok ang 100 araw na pag-unlad sa Maguindanao Del Sur
- Diane Hora
- 39 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa unang State of the Province Address ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang Sr., ginanap noong October 30, sa Kalilintad Hall, Provincial Capitol, sa Buluan, kanyang ibinida ang maliwanag na bisyon para sa isang mapayapa, maunlad at maayos na pamamahala sa probinsya kasabay ng pag-uulat ng mga napagtagumpayan sa unang 100 days in office.
Ibinida rin ng gubernador ang mga naisagawa at nailatag na aktibidad ng probinsya na naglalayong papatatagin ang mga plano at serbisyo ng pamahalaan panlalawigan tulad ng Legislative Agenda Workshop ng Sangguniang Panlalawigan na naglalayong bumuo ng roadmap para sa paggawa ng mga polisiya at batas na tutugon sa pangangailangan ng mamamayan mula 2026 pataas.
Highlight din ang “Give Heart Executive Agenda” ng provincial government tugma sa 12-point priority agenda ni Chief Minister Abdulraof Macacua.
Sinabi naman ni Vice Governor Hisham Nando, mahalaga ang pagkakaisa sa paglikha ng mga batas na tunay na sumasalamin sa pangarap at pangangailangan ng ating mga kababayan.
Tinutukan din ng provincial government ang mga relief operation para sa mga pamilyang nasalanta ng pagbaha sa Datu Montawal at Pagalungan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang ahensya.
Kasama rin sa binigyang highlight sa SOPA ang mga naisagawang rido settlement na pinangunahan ni Governor Midtimbang na isang mahalagang hakbang tungo sa kapayapaan at pagkakaisa sa lalawigan.
Ang unang 100 araw na tagumpay ng administrasyon ni Governor Midtimbang ay simula pa lamang ng mas marami pang tagumpay sa lalawigan.



Comments