Unifier Rescue and Response Challenge 2025, matagumpay na naisagawa ng 601st Infantry Brigade at Provincial Government ng Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pangunguna ng 601st Infantry Brigade, nilahukan ng mga first responders mula sa siyam na Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices ang dalawang araw na pagsasanay, kabilang ang mga bayan ng Sultan sa Barongis, Mamasapano, Datu Piang, Radjah Buayan, Ampatuan, Talayan, Guindulungan, Datu Anggal Midtimbang, at Datu Hoffer.
Isinagawa ang aktibidad noong Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 8.
Kabilang sa mga aktibidad ang fire drill, Basic Life Support, casualty evacuation, at high-angle ascending, na nagbigay pagkakataon sa mga kalahok na masubukan ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng sakuna.
Ang pagsasanay ay naisakatuparan sa tulong ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur, sa pamamagitan ng pondo at suporta na ipinagkaloob bilang bahagi ng layunin na magkaroon ng mas handa at epektibong hanay ng responders sa buong lalawigan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, napapanahon ang ganitong uri ng pagsasanay, lalo na’t nasa panahon ng bagyo at nananatiling flood-prone ang ilang lugar sa Maguindanao del Sur.



Comments