top of page

UPLB research team, magsasagawa ng pag-aaral sa Sultan Mastura para tugunan ang malnutrisyon sa mga batang limang taon pababa gamit ang community-based outpatient approach

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ipinresenta ng UPLB Research Team kay Sultan Mastura Mayor Datu Mando Mastura ang kanilang operational study na pinamagatang: Study to Assess the Effectiveness of a Community Health Workers-Led Outpatient Management of Wasting Using a Contextualized Philippines Integrated Management of Acute Malnutrition Protocol: A Single-Arm Trial Among Under-Five Children in Maguindanao, Philippines.


Isinagawa ito, araw ng Lunes, July 28.


Tututukan ng pag-aaral sa pagsusuri sa bisa ng community-based outpatient approach na pinangungunahan ng mga Community Health Workers o CHWs sa pagtugon sa malnutrisyon sa mga batang limang taon pababa.


Ang hakbang ay suportado ng lokal na pamahalaan.


Naniniwala ang alkalde na bilang isang lider na tunay na nagmamalasakit, mahalaga na mabigyan ng karagdagang serbisyo ang kanyang mga nasasakupan upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilya sa komunidad at mas maayos na kinabukasan ng komunidad dito sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page