top of page

Usapin hinggil sa reconfiguration ng 32 parliamentary districts, muling binuksan sa committee level kasunod ng bagong population data

  • Diane Hora
  • 6 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ang Parliament Bill No. 351 ng Government of the Day ay nauna nang inaprubahan ng komite.


Umabot na rin sa plenary ang committee report ng panukalang batas pero ibinalik ito sa komite para sa dagdag na pag-aaral matapos magrelease ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 2024 census.


Ang proposed measure ay kinalkula base sa population figure na 3.9 million. Ang bagong PSA report, nagtala na 5.6 million population sa rehiyon kasama ang lalawigan ng Sulu. Pero dahil hindi na kabilang ang Sulu sa BARMM base sa Supreme Court ruling, nasa 4.5 million ang populasyon sa rehiyon.


Sa ilalim ng Bangsamoro Autonomy Act No. 58, ang parliamentary districts sa BARMM ay i-a-apportion base sa populasyon na hindi bababa sa 100,000 residents at geographical considerations.


Binigyang diin ng committee chairs na wala silang intensyon na i-antala ang pagpasa ng panukalang batas. Kinailangan lamang anilang pag-aralang mabuti kung paano makaka apekto ang update population data sa district boundaries at representation.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page