Usapin sa maayos na suplay ng kuryente sa Maguinanao del Norte, tinututukan ni Cong Bai Dimple Mastura upang tuloy-tuloy ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga bayan lalo na sa itatayong Halal Food Park
- Diane Hora
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH
Dinaluhan ni Bai Dimple Mastura ngayong araw ang Conference and Groundbreaking Ceremony ng Matanog Special Economic Zone ngayong araw.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng kongresista ang isyu ng kuryente sa bayan at sa buong lalawigan kung saan tiniyak nito na ginagawan na ng paraan ng pamahalaan ang problema sa suplay ng elektrisidad upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente, gayundin ang tuloy-tuloy na pagsulong ng ekonomiya ng bawat bayan.
Ipinahayag din ni Bai Dimple Mastura ang kanyang labis na tuwa at pagmamalaki sa nakikitang pag-unlad ng bayan ng Matanog, lalo na sa itatayong Halal Food Park.



Comments