Usapin sa pagpapaunlad ng labor standards at productivity sa BARMM, tinalakay sa pagbisita ng BTWPB sa MTIT; Bagong MTIT Minister, isa sa mga itinalagang vice chairperson ng BTWPB
- Diane Hora
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Board Secretary VI Bailyn Nanding ang delegasyon bilang kinatawan ng wage board na pinamumunuan ni MOLE Minister Muslimin ‘Bapa Mus’ Sema. Tinalakay sa pagpupulong ang mga accomplishments ng board, mga kasalukuyang inisyatiba, at mga nakatakdang programa upang higit na mapaunlad ang labor standards at productivity sa Bangsamoro.
Isinagawa ang courtesy visit, araw ng Martes, August 19. Ang MTIT minister na si Farserina Mohammad ang isa sa mga itinalagang vice chairperson ng BTWPB.
Ipinahayag ng BTWPB-MOLE ang kanilang tiwala na sa pamumuno ni Minister Mohammad, ay mas magiging matibay umano at mas makabuluhan ang pagpapatupad ng mga mandato ng board katuwang ang MTIT.
Patuloy namang itinataguyod ng Ministry of Labor and Employment sa ilalim ni Minister Muslimin Sema ang layunin na magbigay ng disente, kompetitibo, produktibo, at sustainable na hanapbuhay para sa Bangsamoro.”



Comments