top of page

Vice Gov. Ella Taliño-Taray, nakipagpulong sa Philippine Trade and Investment – Bangkok Commercial Counsellor para sa potential investment opportunities na maaring ipursige ng probinsya sa pagitan ng

  • Diane Hora
  • Aug 22
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Natuon ang dayalogo sa pag-attract ng investors sa strategic priority areas ng Cotabato Province tulad ng agro-processing, manufacturing, renewable energy, at food processing.


Nangako naman si Commercial Counsellor Burgos na i-uugnay ang Cotabato sa pagitan ng mga Thai investors na mayroong interes sa nabanggit na sektor.


Ayon sa bise gobernador, pinalalakas pa ng probinsya ang investment promotion efforts kasunod ng pagkakatatag ng Cotabato Agro Industrial Park (CAIP), na nagsisilbing hub ng mga kumpanya na nagnanais na magtayo o magpalawak ng kanilang operasyon.


Ngayong taon, mayroon ng PHP9.7 billion secured investment leads ang probinsya sa renewable energy, poultry, ecotourism, digital connectivity, manufacturing, food processing, at agriculture.


Naghayag naman ng suporta si Commercial Counsellor Burgos at binigyang diin ang oportunidad na maaring ma-tap sa Thai market kabilang dito ang tumataas aniya na demand sa fresh coconuts at fruit crops—products.


Inirekomenda rin ni Burgos na marehistro sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) o sa Board of Investments (BOI) ang proposed eco zones ng lalawigan upang maging attractive pa ang probinsya sa mga investors na makakabenepisyo mula sa fiscal at non-fiscal incentives.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page