top of page

Wanted kriminal, patay sa joint police-military operation sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • Dec 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Kinilala ng 601st Brigade ng Philippine Army ang wanted kriminal na kilala sa alyas na “Kwag-Kwag” matapos umanong makipagpalitan ng putok habang isinasagawa ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa kanya sa Barangay Kaya-Kaya, araw ng Linggo, December 14.


Si alyas “Kwag-Kwag” ay nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.


Ayon sa militar, unang nagpaputok ng baril ang akusado laban sa mga awtoridad na naging sanhi ng lehitimong engkuwentro. Agad namang gumanti ang mga operatiba ng pamahalaan na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.


Dagdag pa ng militar, kilala rin ang akusado bilang miyembro ng Dawlah Islamiyah Group at sangkot umano sa mga insidente ng pamamaril sa iba’t ibang bahagi ng Maguindanao del Sur. Kabilang dito ang pamamaril patay kina Guiania Gulam Mantikayan noong Oktubre 10, 2025 sa Brgy. Sapakan, Rajah Buayan; Baranda Kuta Abiden, na napatay noong Setyembre 18, 2025 sa Brgy. Dapantis, Rajah Buayan; Alamansa Ambiton, punong-guro ng Sapakan Central Elementary School, na napatay noong Hunyo 10, 2025 sa Brgy. Sapakan, Rajah Buayan; Samsudin Sangeban, na napatay noong Marso 31, 2025 sa Brgy. Baital, Rajah Buayan; at Jabber Amil Ambal, na napatay noong Pebrero 2, 2025 sa Brgy. Baital, Rajah Buayan.


Ang joint law enforcement operation ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Rajah Buayan Municipal Police Station at ng 33rd Infantry Battalion.


Ayon kay Brig. Gen. Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry Brigade, ipinapakita ng nasabing operasyon ang matibay na ugnayan at mahusay na koordinasyon ng kapulisan at kasundaluhan.


Ayon sa militar, patuloy na susuporta ang Joint Task Force Central sa mga law enforcement operation ng pulisya upang tuluyang masugpo ang kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page