Wheelchair, kaloob ng tanggapan ni Maguindanao Del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura sa isang tatay sa Mother Kalanganan, Cotabato City
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Laking pasasalamat ng isang tatay na kinilalang si Alvin Gama Bandara, animnapung taong gulang at residente ng Purok 4, Bucana, Mother Kalanganan sa Cotabato City dahil pinagkalooban siya ng wheelchair ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura.
Si Tatay Alvin ay dating mangingisda.
Matagal na umano siyang nahihirapan dahil sa kanyang kalagayan.
Sa kabila ng sitwasyon, patuloy siyang lumalaban.
Nagpasalamat ito sa tulong mula kay Congresswoman Mastura dahil ngayon, mas madali na ang kanyang paggalaw sa bahay.
Patuloy ang pag-iikot ni Congresswoman Mastura sa kanyang distrito upang makapaghatid ng tulong sa mga komunidad.



Comments