top of page

World Breastfeeding at Trophoblastic Disease Awareness Week, sabay na ipinagdiwang ngayong araw ng Cotabato Regional and Medical Center sa pangunguna ng Department of Obstetrics and Gynecology

  • Diane Hora
  • Aug 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sabay na idinaos ng Cotabato Regional and Medical Center ang World Breastfeeding at Trophoblastic Disease Awareness Week ngayong araw na layong magbigay aral at suporta sa kalusugan ng mga kababaihan at sanggol.


Pinangunahan ng Department of Obstetrics and Gynecology ang pagdiriwang ng World Breastfeeding Week na may temang “Prioritize Breastfeeding: Create Sustainable Support System” ngayong araw na ginanap sa CRMC Grand Auditorium.


Layunin nitong ipaalala sa publiko ang kahalagahan ng pagpapasuso at ang pagbibigay suporta sa mga ina at kanilang mga sanggol upang masiguro ang malusog na kinabukasan.


Kasabay rin na pagdiriwang ang Trophoblastic Disease Awareness Week na may temang “Kalinga, Kadamay, Katropa”. Ang trophoblastic disease o tinatawag na "Kyawa" ay isang bihirang kondisyon para sa mga nagbubuntis na may kinalaman sa abnormal na paglaki ng mga cell sa placenta.


Layon ng pagdiriwang na mapalawak ang kaalaman at hikayatin ang komunidad na maging katuwang sa pagkalinga at pagbibigay-lakas sa mga pasyenteng dumaranas ng ganitong sakit.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page