1,000 pamilya na naapektuhan ng sunog sa Lamion, Bongao, Tawi-Tawi, tumanggap ng tulong mula sa Project TABANG ng BARMM government
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Alinsunod sa direktiba ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua upang matiyak ang mabilis at maayos na paghahatid ng ayuda sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at ari-arian dahil sa insidente ng sunog, isinagawa ng Project TABANG ng relief operation sa lugar.
Pinangunahan ni Project Manager Brahim Lacua ang relief operation, katuwang ang Provincial Coordinating Team ng Project TABANG, upang tiyakin ang organisado at episyenteng distribusyon ng tulong sa mga benepisyaryo.
Sa pamamagitan ng Project TABANG, naipamahagi ang mga pangunahing pangangailangan kabilang ang sako-sakong bigas, PWD kits, kitchenware, at mga pangunahing materyales para sa pansamantalang tirahan.
Nakipag-ugnayan ang pamahalaan sa Bangsamoro READi, Ministry of Social Services and Development – BARMM (MSSD), at Ministry of Health – BARMM (MOH) upang matiyak na ang tulong ay makarating sa mga pinakaapektado at pinakanangangailangan.
Layunin ng mga interbensyong ito na matulungan ang mga pamilya na pansamantalang makabangon at makapagsimula muli matapos ang trahedya.
Naging matagumpay ang relief operations sa tulong ng Provincial Local Government Unit (PLGU), Local Government Unit ng Bongao, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Philippine Marine Corps, mga civic organizations, student volunteers, at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Sa ilalim ng Project TABANG, patuloy na isinusulong ng Bangsamoro Government ang mabilis, makatao, at sistematikong pagtugon sa mga krisis—isang konkretong pagsasabuhay ng moral governance at malasakit sa bawat Bangsamoro.



Comments