top of page

1,000 pamilya sa Talayan, Maguindanao del Sur ang makatatangap ng tig-10 kilo ng bigas mula sa tanggapan ni MP Michael Midtimbang katuwang ang Project Tabang

  • Diane Hora
  • Oct 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tinatayang isang libong pamilya sa bayan ng Talayan, Maguindanao del Sur ang makakatanggap ng tig-sampung kilo na bigas mula sa tanggapan ni Member of Parliament Michael Midtimbang katuwang ang Project TABANG.


Mamamahagi ng tig-sampung kilo ng bigas ang tanggapan ni MP Michael Midtimbang sa isang libong residente ng Talayan, Maguindanao del Sur sa araw ng linggo, October 12, 2025.


Handog ito ng mambabatas sa mga ina ng tahanan at tricycle drivers sa bayan ng Talayan at kalapit lugar.


Nauna ng namahagi ng bigas ang tanggapan ng opisyal sa mga naging biktima ng baha sa SK Pendatun at Datu Anggal.


Nagpapasalamat rin ang mambabatas sa liderato ng BARMM, si ICM Abdularaof Macacua, at Project manager ng Project TABANG.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page