top of page

₱1.2-M Smuggled Cigarettes nasabat ng awtoridad sa checkpoint operation sa Parang, Maguindanao del Norte

  • Feb 24
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasabat ng pulisya ang umano’y smuggled cigarettes sa isinagawang intelligence-driven checkpoint operation.


Pinigil ng awtoridad ang isang puting dump truck na may kargang hinihinalang smuggled cigarettes, araw ng Sabado, February 21.


Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ang kabuuang 1,441 reams ng sigarilyong.


Agad na inaresto ang driver ng sasakyan at kasalukuyang nasa kustodiya ng Parang Municipal Police Station para sa wastong disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.


Bandang alas-7:30 ng umaga nang isinagawa ang anti-criminality checkpoint ng mga tauhan ng 1401st Regional Mobile Force Company, at RMFB 14-A.


Ang nakumpiskang sasakyan at mga kontrabandong sigarilyo ay nakatakdang i-turn over sa Bureau of Customs – Cotabato para sa karagdagang legal na proseso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page