top of page

1,276 beneficiaries ng BIDP at SPES mula sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Lanao del Sur ang tumanggap ng stipends mula sa MOLE

  • Diane Hora
  • Sep 3
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy ang Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa pamamahagi ng stipends para sa mga benepisyaryo ng Bangsamoro Internship Development Program (BIDP) at Special Program for Employment of Students (SPES) ngayong Agosto 2025 sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region.


Matapos ang naunang batch sa mainland provinces, sinaklaw naman ng MOLE ang payout ng stipends para sa mga benepisyaryo ng Bangsamoro Internship Development Program o BIDP at Special Program for Employment of Students o SPES sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.


Isinagawa ito noong Agosto a-21–22, kung saan umabot sa 985 indibidwal ang nakatanggap ng kanilang benepisyo.


Para sa BIDP grantees kasama ang regular at asatidz interns, 106 ang mula sa Basilan, 124 mula sa Sulu, at 110 mula sa Tawi-Tawi. Samantala, sa ilalim ng SPES, 150 estudyante sa Basilan, 250 sa Sulu, at 245 sa Tawi-Tawi ang nabigyan ng allowance.


Sa Lanao del Sur naman, isinagawa rin ng MOLE ang payout sa Marawi City para sa 291 indibidwal noong Agosto a-11 hanggang a-12.


Nakatanggap ng benepisyo ang 90 regular BIDP interns at 169 SPES beneficiaries, habang noong Agosto 27, 32 asatidz naman ang tumanggap ng kanilang stipend.


Bawat BIDP beneficiary ay nakatanggap ng ₱5,544 kada buwan para sa 2 hanggang 4 na buwan ng serbisyo, habang ang SPES grantees ay binigyan ng ₱4,032 bilang allowance para sa isang buwang temporary employment.


Sa kabuuan, 1,276 beneficiaries mula BaSulTa at Lanao del Sur ang napagsilbihan sa follow-up payouts ng MOLE, bilang bahagi ng flagship employment programs ng ahensya.


Ayon sa MOLE, ang mga programang ito ay hindi lamang nagbibigay ng agarang tulong-pinansyal, kundi nagsisilbing hakbang para sa mas inklusibong oportunidad sa trabaho at sa pagpapatatag ng mas handa at skilled na labor force sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page