top of page

1,400 AHME-SP Graduates, pinarangalan ng MBHTE; 600 bagong grantees para sa 6th Cohort, pumirma ng kontrata at nanumpa

  • Diane Hora
  • Sep 3
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isang panibagong tagumpay para sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE matapos parangalan ang 1,400 graduates ng Access to Higher and Modern Education–Scholarship Program (AHME-SP) 2nd Cohort para sa School Year 2024–2025), at pormal na tanggapin ang mga iskolar ng 6th Cohort sa ginanap na mass contract signing at oath-taking ceremony, araw ng Martes, September 2, 2025, sa Cotabato City.


Sa 2nd Cohort, 193 graduates ang nagtapos na may Latin honors: 1 Summa Cum Laude, 45 Magna Cum Laude, at 147 Cum Laude. Pinarangalan sila sa seremonya bilang pagkilala sa kanilang natatanging academic achievements.


Samantala, 600 bagong grantees mula Cotabato City, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Special Geographic Area ang pumirma ng kanilang kontrata at nanumpa bilang bahagi ng 6th Cohort. Noong nakaraang buwan, nakapirma na rin ng kontrata ang mga bagong scholars mula Tawi-Tawi, Basilan, Lamitan City, Lanao del Sur, at Marawi City.


Binigyang-diin ni Director General for Higher Education Marjuni Maddi ang kahalagahan ng edukasyon sa Bangsamoro


Hinimok naman ni Director General for Madaris Education Tahir Nalg ang mga scholars na pagsikapan ng mga ito na tapusin ang pag-aaral.


Sa pagtatapos ng 2nd Cohort at pagsisimula ng 6th Cohort, muling pinagtibay ng MBHTE ang pangakong palawakin ang access sa mataas na edukasyon sa Bangsamoro, alinsunod sa bisyon nitong “Isang propesyonal sa bawat pamilya.”

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page