₱1.44M halaga ng marijuana, nasamsam sa buy-bust operation sa Davao City; 2 suspek, arestado sa operasyon
- Teddy Borja
- Feb 2
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ang humigit-kumulang 12 kilos ng hinihinalang marijuana sa isang buy-bust operation kung saan dalawang drug suspects ang naaresto.
Kinilala ang dalawang suspek sa alyas “Tina” at alyas “Chris” dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasamsam mula sa mga suspek ang isang transparent plastic pouch na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, gayundin ang labing-isang vacuum-sealed bricks ng hinihinalang marijuana.
Ang kabuuang tinatayang timbang ng nasamsam na marijuana ay humigit-kumulang 12 kilo na may standard drug value na aabot sa ₱1,440,000.00. Narekober din ang mga non-drug evidence na kinabibilangan ng isang genuine ₱1,000 bill, ilang machine-copy peso bills, tatlong CPU cases, at isang Samsung mobile device.
Isinagawa ang buy-bust operation, January 31, 2025 ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa ilalim ng Buhangin Police Station, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Region 11 (PDEA 11 – DCO/RSET) at NBI SEMRO 11.
Ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA 11 – DCO/RSET para sa wastong disposisyon at pagsusuri.



Comments