1,470 Iftar Meals ipinamahagi ng Project TABANG SA 19 masjids sa Cotabato City at Maguindanao
- Feb 25
- 1 min read
iMINDSPH

1,470 packed meals, o iftar meals, ang hatid ng Project TABANG sa 19 masjids sa iba’t ibang parte ng Cotabato City, Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur, araw ng Lunes, 23 February 2026.
Ito ay sa ilalim ng Food Assistance for Special Traditions o FAST, isang taunang programa na ipinatutupad simula taong 2020 bilang bahagi ng humanitarian response at service ng programa na dinisenyo para maghatid ng iftar meals sa mga masjids, markadz, komunidad , at indibidwal sa buong banal na buwan ng ramadan.
Sa pamamagitan ng tanggapan ni Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, at ipinatutupad ng Project Management Office sa ilalim ng pamumuno ni Project Manager Brahim Lacua, tuloy ang pangako ng Bangsamoro Government na tulungan ang mga mamamayan sa grassroots level at ilapit ang serbisyo lalo na sa mga mahihirap, apektado ng kalamidad at kaguluhan.



Comments