1,800 IFTAR MEALS Ipinamahagi ng Project TABANG sa ilalim ng FAST program sa 20 masjids sa SGA, Tawi-Tawi, Basilan, at Sulu.
- Mar 10
- 2 min read
iMINDSPH

Patuloy ang pamamahagi ng Bangsamoro Government ng iftar meas sa iba’t ibang komunidad sa Bangsamoro sa ilalim ng Food Assistance for Special Traditions (FAST), isang sub-program ng Humanitarian Response and Services ng Project TABANG, bilang bahagi ng Ramadhan outreach ng pamahalaan.
Isinasagawa ang inisyatiba sa pamamagitan ng tanggapan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maghatid ng agarang tulong sa mga komunidad ng Bangsamoro sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan.
Sa pamumuno ni Project Manager Brahim Lacua, patuloy ang koordinasyon ng Project TABANG sa mga lokal na partner at lider ng komunidad upang matiyak ang maayos at napapanahong pamamahagi ng iftar meals sa mga Muslim na nag-aayuno.
Ayon sa mga tagapagpatupad ng programa, kabilang sa mga binibigyan ng prayoridad ang mga komunidad sa Special Geographic Areas (SGA) at iba pang malalayong lugar upang matiyak na naaabot ng tulong ang mga komunidad na kulang sa serbisyo sa buong rehiyon.
Sa SGA, kabuuang 920 packed meals ang ipinamahagi sa 11 masjid
SGA
• Markadz Salman – Buliok, Ligawasan
• Markadz Rajahmuda – Rajahmuda, Ligawasan
• Masjid Hadjinor – Bulol, Ligawasan
• Markadz Tadabpor – Bagoinged, Ligawasan
• Markadz Dawade – Bagoinged, Ligawasan
• Markadz Lagunde – Lagunde, Tugunan
• Markadz Ribhollah Al Islamiy – Balong, Tugunan
• Markadz Maw-Izzah – Batulawan, Malidegao
• Markadz Sitio 75 – Fort Pikit, Malidegao
• Masjid Mahad Mindanao – Fort Pikit, Malidegao
• Masjid Maulad – Batulawan, Malidegao
Sa Basilan, umabot sa 300 packed meals ang ipinamahagi sa dalawang masjid:
BASILAN
• Masjid Camp Al-Ansar (PPF) – Sirongon, Mohammad Ajul
• Masjid Tambulig – Sirongon, Mohammad Ajul
Samantala, 340 packed meals ang ipinamahagi sa apat na masjid sa Tawi-Tawi:
TAWI-TAWI
• Masjid Pagasinan – Pagasinan, Bongao
• Masjid Imam Yusop Dais (Boheh Sallang) – Brgy. Sanga-Sanga, Bongao
• Masjid Bannaran – Purok 4, Sanga-Sanga, Bongao
• Masjid Kampo – Sitio Airport, Sanga-Sanga, Bongao
Naging katuwang sa implementasyon ng programa ang BPMA Bongao Port at ang PNP Provincial Headquarters.
Sa Sulu, kabuuang 240 packed meals ang ipinamahagi sa tatlong masjid
SULU
• Masjid Imam Sakili – Boutan, Indanan
• Islamic Library – Asturias, Jolo
• Masjid Nurrayyam – Boutan, Indanan
Ayon sa mga opisyal, patuloy na nagsisilbi ang Project TABANG bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaang Bangsamoro na maghatid ng tulong at magpalaganap ng diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagbabahagi ng biyaya sa panahon ng Ramadan.



Comments