₱1.87M SUSPECTED SHABU, NASAMSAM sa isinagawang police operation sa General Santos City; 2 suspek, arestado
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Sa General Santos City —
Nasamsam ng awtoridad ang 1.8 million pesos na halaga ng hinihinalang iligal na droga sa ikinasang operasyon ng awtoridad.
Arestado rin sa operasyon ang dalawang suspected drug personality. Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Ramon”, 34 taong gulang at itinuturing na High-Value Individual, at alyas na “Bong”, kapwa sangkot umano sa iligal na droga.
Nasamsam mula sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 275 grams ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na ₱1,870,000.
Narekober din ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱25,000, kabilang ang isang genuine ₱1,000 bill at boodle money, pati na ang weighing scale, cellphone, packaging materials, at iba pang personal na gamit.
Ang mga nakumpiskang droga ay dinala sa Regional Forensic Unit 12 para sa pagsusuri, habang ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 5 ng General Santos City Police Office.
Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments