top of page

₱1-B ILLEGAL VAPE PRODUCTS, NASABATNg Bureau of Customs sa isang enforcement operation sa Navotas City

  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Navotas City —

₱1 bilyong halaga ng iligal na vape products ang nasabat ng Bureau of Customs sa isinagawang operasyon Nagsagawa ng operasyon ang Bureau of Customs matapos makatanggap ng intelligence report hinggil sa umano’y pag-iimbak ng mga hindi rehistradong vape products sa isang pasilidad sa Navotas.


Sa isinagawang pagsalakay, nadiskubre ng mga awtoridad ang tinatayang 3,174 master boxes ng electronic cigarettes at vape products na pinaniniwalaang iligal na ipinasok sa bansa.


Lumabas sa paunang imbestigasyon na ang mga nasabing produkto ay walang kaukulang Philippine Standard License o Import Commodity Clearance, na paglabag sa Republic Act No. 11900.


Tinatayang aabot sa ₱1 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang produkto, na isa sa pinakamalalaking huli ng vape products ngayong taon.


Inatasan ang mga kinatawan ng bodega na magsumite ng mga dokumento sa loob ng 15 araw upang patunayan ang legalidad ng mga produkto. Kung mabibigong makapagpakita ng sapat na papeles, tuluyan itong kukumpiskahin at maaaring magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga responsable.


Patuloy namang pinaiigting ng Bureau of Customs ang kanilang operasyon upang mapigilan ang pagpasok ng mga iligal at delikadong produkto sa merkado.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page