top of page

1 DELIVERY RIDER, PATAY; 1 SUGATAN Matapos pagbabarilin sa Doña Theresa Street, Poblacion 4, Cotabato City

  • Feb 27
  • 1 min read

iMINDSPH



Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Cotabato City Police Office Station 1, nakatayo umano ang biktima sa labas ng isang catering establishment at nakikipag-usap sa cellphone nang bigla itong barilin.


Isinugod agad ang biktima sa United Doctors Hospital ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa dibdib, leeg at balikat.


Sugatan naman ang isa pang delivery rider matapos tamaan ng ligaw na bala sa likod habang nasa loob ng isang kalapit na establisimyento.


Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala at isang slug na hinihinalang mula sa kalibre .45 na baril.


Isa sa mga anggulong tinututukan ng awtoridad sa krimen ay personal na alitan.


Blanko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan sa mga suspek.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page