iMINDSPH
Pitong kandidato pa lamang sa pagka konsehal ang naghain ng Certificate of Candidacy sa COMELEC Cotabato City. Isang kandidato rin sa pagka kongresista ang naghain ng COC sa tanggapan ng COMELEC Maguindanao del Norte.
Naka-antabay pa rin ang mga pwersa ng Philippine Marines at PNP sa loob at labas ng Bangsamoro Government Center Compound.
Sa ikalawang araw ng paghahain ng COC, pitong kandidato pa lamang ang naghain ng Certificate of Candidacy sa tanggapan ng COMELEC Cotabato City.
Ito ay sa posisyong konsehal.
Sa tanggapan naman ng COMELEC Maguindanao del Norte, isang kandidato rin ang naghain ng COC sa pagka kongresista.
Samantala,
Nananatiling naka alerto ang pwersa ng Philippine Marines at Cotabato City PNP sa loob at labas ng BGC Compound.
Mahigpit pa rin ang seguridad na ipinatutupad sa lugar.
Comments