1 kilo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P6.8M, nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa Zamboanga City; High-Value Individual, arestado
- Teddy Borja
- Sep 11
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang 6.8 million pesos na halaga ng suspected shabu at arestado ang isang High-Value Individual sa ikinasang buy-bust operation.
Ikinasa ang operasyon, alas 7:08 ng gabi, araw ng Lunes, September 8 sa Gallera, Purok 2, Sinunuc ng lungsod.
Nasamsam sa operasyon ang isang kilo ng hinihinalang shabu. Arestado sa operasyon ang isang 39-year old na residente ng bayan ng Pata, Sulu.
Nasa kustodiya ng PDEA Regional Office 9 ang naarestong indibidwal para sa pagsasampa ng kaso.
Ang operasyon ay sanib pwersa na ikinasa ng mga elemento ng 904th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 9, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 9 – Zamboanga City.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Eleazar Matta, Regional Director, PRO 9 ang pagkakahuli sa suspek.



Comments