top of page

1 kumpirmadong kaso ng monkeypox, naitala sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte; 2 kaso ng suspected monkeypox, naitala naman sa Cotabato City

  • Diane Hora
  • May 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Hinihintay na lamang ng Cotabato City Health Office ang resulta ng isinagawang test sa dalawang kaso ng suspected monkeypox sa lungsod.


Ito ang sinabi ni Cotabato City Health Officer Dr. Harris Ali.


Agad na nagsagawa ng contact tracing ang kanilang tanggapan sa mga nakasalamuha ng dalawang indibidwal na naka home quarantine ngayon.


Isa ang kumpirmadong kaso ng monkeypox na naitala sa bayan ng Sultan Kudarat.

Naka isolate na at minomonitor na ng RHU ng Sultan Kudarat at ng Ministry of health ang pasyente.


Ang mga sintomas ng monkeypox ay ang sumusunod:


Lagnat.

May nakikitang rash o di kaya ay butlig sa inyong katawan.

Kulani.

At pananakit ng katawan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page