₱1 MILLION NA CASH WITHDRAWAL THRESHOLD Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa P1,000,000 mula sa P500,000
- Mar 4
- 1 min read
iMINDSPH

Mula sa ₱500,000 maari na ngayong mag-withdraw ng hanggang ₱1 milyon.
Batay sa BSP Circular No. 1230 layunin ng pagtaas ng threshold na ituon ang mas mahigpit na pagsusuri sa mga transaksyong may mataas na panganib, habang pinapadali ang proseso para sa mga lehitimo at regular na cash transactions.
Matatandaang ipinatupad ng BSP ang ₱500,000 threshold noong Setyembre 2025 upang makatulong sa pagsugpo sa money laundering at maiwasan ang paggamit ng sistemang pinansyal sa iligal na aktibidad
Ayon sa BSP, isinagawa ang pagbabago matapos ang konsultasyon sa mga bangko at iba’t ibang industriya.
Isinasaalang-alang din ang resulta ng pinakahuling National Risk Assessment laban sa money laundering at surveillance monitoring, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Binigyang-diin ng BSP na nananatiling mahalaga ang matibay na risk-based safeguards upang maprotektahan ang integridad ng sistemang pinansyal ng bansa.



Comments