top of page

1 nasawi, 1 sugatan sa pamamaril sa Bugasan, Norte, Matanog, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Oct 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isa ang patay at isa ang sugatan sa naganap na pamamaril.


Kinilala ang mga biktima na sina Pao Adam, at Pangalian Casim Bara, kapwa residente ng Parang, Maguindanao del Norte.


Base sa imbestigasyon ng pulisya, sakay umano ng motorsiklong may sidecar ang mga biktima mula Barangay Gadungan, Parang patungong Barangay Poblacion 1, nang pagsapit nila sa kanto ng Barira–Parang Road, biglang sumulpot ang mga armadong suspek ala 7:45 ng gabi, araw ng Linggo, October 12.


Sapilitang sumakay umano ang mga suspek at pinaharorot ang motorsiklo na may side car patungo sa direksyon ng Matanog.


Pagdating umano sa Bugasan, Norte, binaril ng mga suspek si Adam na nagtamo ng tama ng bala sa ulo na agad nitong ikinamatay.


Samantala, nakaligtas naman si Bara na nakatakbo papalayo sa pinangyarihan ng krimen.


Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.


Kinuha naman ng pamilya ang bangkay ni Adam at dinala sa Parang, Maguindanao del Norte.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng Matanog Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo ng krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page