top of page

1 PATAY, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL Habang sakay ng kanilang motorsiklo sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur

  • Mar 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang nasawi sa alyas na “Otrex”, tinatayang nasa 30 taong gulang, binata, at residente ng Sitio Itil, Barangay Bamalibi, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.


Samantala, sugatan naman ang isa pa na kinilala sa alyas na “Kiri”, 26 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao del Sur.


Batay sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek bandang 5:55 ng hapon,araw ng Linggo, March 8.


Agad na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa matukoy na direksyon matapos ang insidente.


Isinugod naman sa IPHO Maguindanao ang sugatang biktima upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.


Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page