1 sundalo patay, 1 sugatan matapos magkasagupa ang militar at Dawlah Islamiya Hassan Group, sa bayan ng Datu Hoffer, Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- Jan 28
- 1 min read
iMINDSPH

Naka engkwentro ng mga sundalo ng 90th IB sa Sitio Bagurot, Barangay Tuayan Mother, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur ang grupo ng Dawlah Islamiya-Hassan Group, Martes ng umaga nitong Enero 27.
Ito ang kinumpirma ng 6th Infantry Division ng Philippine Army matapos ilunsad ang decisive military operations na pinamumunuan ni Lt. Col. Loqui Marco.
Ayon kay 6th ID Spokesperson LtCol. Ronald Suscano, tatlo ang casulaty sa panig ng DI-Hassan.
Patuloy pa na tinutugis ng militar ang mga tumakas ng DI-Hassan Group.
Sinabi naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central Commander,
Maj. Gen. Jose Vladimir Cagara, magpapatuloy ang JTF Central sa misyon nito laban sa mga natitirang miyembro ng Dawlah Islamiyah – Hassan Group.



Comments