top of page

₱10,000,000 halaga ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo, nasamsam sa Davao City; 3 indibidwal, arestado

  • Teddy Borja
  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH



P10 million halaga ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo ang nasamsam ng pulisya sa isang joint checkpoint operation. Tatlong indibidwal ang arestado sa operasyon, kabilang ang driver ng wing van.


Habang nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 – Regional Special Operations Group, katuwang ang lokal na pulisya at ang Bureau of Customs–Port of Davao, pinara ang isang wing van sa Purok 27, Barangay Malagamot, Panacan, Davao City.


Sa isinagawang inspeksyon, inamin ng driver na naglalaman ng puslit na sigarilyo ang sasakyan. Dito nadiskubre ang 200 master cases ng “MODERN Cigarettes”, na tinatayang may kabuuang halaga na ₱10,000,000.00.


Agad na kinumpiska ng mga awtoridad ang mga kontrabando pati na ang ginamit na sasakyan at isinailalim sa turnover sa Bureau of Customs–Port of Davao para sa wastong disposisyon.


Ang tatlong naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sasa Police Station 6 ng Davao City Police Office, habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, gayundin sa Republic Act 10643, para sa pagsasampa sa Office of the City Prosecutor.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page