top of page

10 bata sa South Upi, natulungan sa ilalim ng Bangsamoro Child Labor Sagip Program ng MOLE

  • Diane Hora
  • Oct 23
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy na isinusulong ng Ministry of Labor and Employment ang adbokasiya laban sa child labor sa pamamagitan ng Bangsamoro Child Labor Sagip Program o BCLSP.


Noong Oktubre 21, isinagawa ang aktibidad sa Barangay Looy, South Upi, Maguindanao del Sur na pinangunahan ng Bureau of Employment Promotion and Welfare ng MOLE.


Layunin ng programa na mailigtas at mabigyan ng agarang tulong ang mga batang edad labingwalo pababa na nakararanas umano ng mapanganib na trabaho, pang-aabuso at diskriminasyon.


Sampung kabataan na natukoy sa ilalim ng Child Labor Monitoring System ang napiling benepisyaryo ng naturang programa.


Bawat isa ay tumanggap ng backpack na may lamang school supplies at tulong pinansyal upang mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.


Hinikayat ni BEPW Director Sara Jane Sinsuat ang mga magulang at tagapag-alaga na bigyang-halaga ang edukasyon at alamin ang financial literacy upang matutong mag-ipon para sa mga pangangailangan sa hinaharap.


Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga magulang at opisyal ng barangay sa tulong na mula sa MOLE at sa pakikipagtulungan ng International Labour Organization.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page